Testimonials

Hi, I’m Nelli Gabatin, your friendly real estate broker.

One year ago, nag-expire ang Official Receipts ko. Since hindi ako makapag-issue ng Official Receipts, hindi rin ako makapag-collect ng commission checks ko. So in effect, tigil din ang income ko.

Nakakapanghinayang, kasi yung ibang checks nga, nag-stale na.

Nung i-try ko mag-ayos ng new receipts ko, pine-penalty ako ng Php21,000.

Naka-ilang balik din ako to seek other remedies. Iba’t-iba ang mga nakausap ko kada balik, at iba-iba din ang sinasabi.

Ang pinaka nakakalungkot, kahit mga taga-loob, hindi rin ako mabigyan ng tama at pinaka-affordable na solution.

It got really frustrating…

Siyempre, nanghina ang loob ko, kaya hindi ko muna binayaran at tinuloy.

Umabot na sa point na nahihirapan na ako sa mga gastusin, kasi matagal na akong walang collections (sa kawalan ng OR na ma-issue). At that time, I could really use all the help I could get at that time.

Buti nalang, nakilala ko si Sir Anthony at nag-consult ako.

Sa consultation session namin, marami akong natutunan! Nawala ang takot ko kasi naliwanagan ako na marami palang legal remedies na available sa taxpayers.

I felt relieved nung na-realize ko na hindi pala natin kailangan magbayad ng sobra, at hindi rin pala kailangan maglagay para maging maayos ang taxes natin.

After engaging his service, less than Php1000 lang ang binayad ko (imagine, down from Php21000! Ang laking difference nun!) with accountable government forms, at ayun, na-process na ang authority to print receipts ko!

Ngayon, nakaka-collect na ulit ako ng mga commission checks ko.

Sir Anthony, thank you so much for giving me clarity and helping me with my tax concerns. Thank you for helping me to LEGALLY secure a new set of Official Receipt booklets. The Best ka Sir!

Nelli Gabatin
Real Estate Broker